sosyal
yep as in sosy, burgis, class or high end. hindi ko alam ang totoong definition. malabo at hindi rin deep na salita. confusing kung nega or positive ang dating.
i was talking with my gurlfwend yesterday. she told me na may nagtatanong tungkol saken. ang sabi ni gaga, ah si kiksy? sosyal yun, maselan. finesse kasi pa gurl. nikwento ko yun kay boyplen kanina, kasi yung exie niya ang nagtatanong kay gurlfwend. natatawa na lang ako habang nakikinig sa kaibigan ko & i know why she said that. pareho kaming hard core pagdating sa inuman kaya i know she knows kiksy not the sosy kind. ang sabi ko na lang sa kanya, loko ka talaga, hindi ako sosyal!
sosyal ba ang kumakaen ng isaw? adik sa street foods? nanunuod ng pirated? bumibili ng second hand, isama mo na pati back issue? nabubusog sa turo turo? nakikipag inuman sa kalye? tumitira ng gin bulag? walang auto? hindi nagtatrabaho? ginagawang shopping mall ang divisoria? kumakain ng naka kamay? ratty pambahay ang favorite pantulog? hindi nagpapa pedicure? nagpapalibre?
i know anti social ako kung minsan. gustong i-shut down ang mundo kapag inaatake ng leave me alone drama. pero never ako naging anti sosyal.
madami akong sosyal na friends. & i know for sure in denial din sila sa fact na sosyal sila. ang mga burgis kong friends na kailanman hindi naging pasosyal ay mga totoong tao na nakilala ko. magrereklamo sa una pero marunong makisama. they dont talk crap behind peoples back. they dont pretend to be someone whom they are not.
walang masama sa pagiging sosyal. as long as wala kang inaagrabyadong tao sa pagiging ikaw mismo. minsan nga lang judgemental ang tao. kapag nakakita ng kabulukan sa iba, type cast kana agad sa mga kauri mo. i feel bad about it. they can’t see the goodness in every person. sarado ang isip o marahil makitid talaga ang utak. kung may sosyal na masama, it doesnt mean masama na lahat. well, a single person cant speak for everybody.
ito ang downside; the pasosyal type! masakit sa mata masyado. feeling ko nga kukulot yung bangs ko sa kanila, the thought pa na wala akong bangs ngayon. LOL! sila yung mga user friendly na super pa-belong type. leeches ika nga. ewan ko ba kung bakit kailangan nila mag panggap? hindi ko maintindihan bakit naglalaway sila masyado sa mga bagay na obviously cant afford nila. materyoso. samantalang naluluma din naman ang mga bagay na ninanais nila. nasisira, nababasag, nalalaos… meron akong boylet dati na sa tuwing magkikita kami eh nagreregalo. yes i appreciate the effort, pero kahit gaano ko pa ka gusto yung mga bagay na binibigay niya, hindi naman ako masaya. walang okasyon pero nagreregalo, sabihin na nating sweet at galante lang siya sadya but his money cant buy love. kahit kunin pa niya ang mana niya ngayon sa magulang niya plus yung kinikita niya, i know for sure he cant make kiksy happy.
well, the enemy of best is good ika nga. maarte ako. kikay! pero hindi ako sosyal. marunong ako magdala. yun mas maganda pakinggan. hindi rin ako pasosyal pero mukha akong sosyal. effortless kumbaga. *walang basagan ng trip!
kapag nabasa ng isa sa mga fwends ko ang entry na ‘to, babatukan ako nun at sasabihing wtf sosyal ako! sinusumpong ka na naman ng sakit mo.. in denial ka kiks, malala na yan! *hugz* but i love you just the same Ü